Mga Pahina

Lunes, Nobyembre 21

Funeral 3

Bago o ng trabaho through internet. Kasulukuyan akong naghahanap ng trabaho ng may biglang pumasok sa utak.



Kinuha ko yung cellphone ko para mae-text si Dianne para bukas.




‘Dianne, si Kristopher ito. Sure ba kayo sa makalawa?’. Text ko nito.



Wala akong natanggap na response kaya naman bakit ulit ako sa pagja-job hunt. Nakailang menuto rin nang nag-vibrate tung cellphone na nasa tabi ng aking laptop. Agad ko naman itong kinuha at tiningnan kong sino ang nagtext, si Dianne.





‘Hi Kris, OO sure na yun pero kunti lang yung mamakakapunta. Busy kasi yung iba alam mo naman ngayon.’, reply ni Dianne.




‘Okay lang at least meron, di ba? Sya sige, see you?’, reply ko naman.




‘See you, magdadala na rin kami ng pagkain para may pagsasaluhan tayo.’, reply nito.




‘Better.’, reply ko naman.




Hindi na sya nagreply kaya naman binalik ko na yung cellphone ko sa katabi ng aking laptop. Nang ilang minuto rin nang dinalaw ako ng antok kaya naman humiga na ako at natulog.




Nagising na lang ako sa sinag ng araw galing sa bintana na naiwan kong nakabukas. Tiningnan ko yung orasan na nasa side table 7AM pa naman.



Naligo ako at nagbihis, wala naman ako masyadong gagawin kaya napagpasyahan kong maglakad-lakad sa malapit na parke. Maganda ang araw na ‘to, di masyadong mainit tama lang.



Kinuha ko ang iPod ko na nasa bulsa at isa-isa nilagay sa tinga ang mga headset nito sabay click sa play button.


You’ve been on my mind
I grow fonder everyday
Lose myself in time,
Just thinking of your face
God only knows
Why it’s take me so long
To let my doubts go
You’re the one the I want




Patuloy naman ako sa paglalkad at ninanamnam ang bawat sandali na meron ako. Ang hangin na dumadampi sa aking balat ay nagbibigay nang anong ginahawa.


Nakakita naman ako ng isang bench na sakto naman na nasa ilalim ito ng malaking puno kaya sakto ito para pahingahan. Umupo ako at at eni-enjoy ang moment na meron ako. Hindi ko mapigilan na hindi isipin si John, nakakalungkot pero okay na rin. Napabuntong hininga na lang ako.




Meron akong napansin na nakaupo di kalayuan sa aking pwesto, nakaupo sya mismo sa ilalim ng puno at may hawak ito parang notebook o ewan parang nagsusulat ata. Nilapitan ko ito.



So, I dare you to let me be your,
Your one and only
I promise I’m worth it
To hold in your arm
So come on and give me a chance

To prove I am the one who can
Walk that mile



Hanggang sa nalapitan ko na talaga ito.

‘Hi.’, bati ko rito.

‘Hey.’, sabay tanaw nito sa akin. Nagulat naman ako, sa lahat pa ng taong pwede kong Makita ay sya pa talaga. Tulad ng dati cute pa din ito, hindi mas gwapo na ito tingnan.  Ngayon ko lang napagmasdan ang mukha nito, brown eyes, mahabang pilik mata at talgang nangungusap ito.




‘What are you doing here?’, tanong ko didto.



‘Dan Emmanuel Ramarez .’, pangbabaliwala sa tanong ko rito.



‘Parati tayong nakikita but we never get a chance na magpakilala.’, dugtong nito.



‘So I’m Kristopher.’, sabay upo sa tabi nito.



‘Ano pala ginagawa mo rito mag-isa?’, tanong ko rito. Di naman ito sumagot kaya naman tiningnan ko ang hawak nitong kanina ay di ko mapagtanto kung ano. Drawing book pala ito at ginuguhit nya kung saan ako naka-upo kanila.



‘Di sana kita isasali sa drawing ko, pero bigla ka naman umupo kaya sinama na rin kita.’, sabay lahad nito sa kanyang ginuguhit na tapos na pala ito.




‘Maganda!.’, sabi ko na merong lokong ngiti. Natawa naman sya sa aking ginawa.



Sarap pakinggan ng kanyang pagtawa, parang buong-buong ito. Nasa ganon akong sitwasyon ng bigla syang nagsalita.



‘Sorry!.’, bigla nitong sabi.



‘Okay lang, sarap naman pakinggan eh.’, sabi ko naman.



Niyaya niya akong maglakad-lakad, nagkwento sya tungkol sa buhay nya. Tatlo isa magkakapatid galing sa isang broken family, ako naman nakinig lang. buong atensyon naman akong nakinig nito pag-broken family ang topic talagan nakaka-relate ako. Kasi tulad nya iniwan rin sila ng papa nila at sumama sa iba.



Kahit naman medyo triadic yung kwento ng buhay nya ay nakukuha pa nitong tawanan ang mga nangyari sa kanya at sa pamilya nya.



Nagkwento rin ako patungkol sa buhay ko maliban sa amin ni John.




Narating namin ang isang nagbibinta ng hotdog sa loob ng parke, medyo nakaramdam rin ako ng gutom kaya naman bumili ako ng dalawa para sa amin.




‘Hotdog?’, sabay abot nito sa kanya.




‘Salamat.’, maikli nito sagot at agad naman nitong kinagat ang hotdog.




Nag-enjoy naman ako sa company ni Dan. Kaya masaya akong umuwi. Mga hapon ng ako’y makauwi, usual wala na naman si mama kaya ang laptop yung napagdiskitahan ko.




Bigla kong naisip si John kaya agad akong na online sa Facebook para hanapin sya. Bigo akong mahanap ang profile nya.




Baka iba ang gamit nyang pangalan.’, sambit ko sa aking isip.


Dinalaw na ako ng antok kaya naman napagpasyahan ko ng matulog. 

1 komento: