Mga Pahina

Miyerkules, Oktubre 26

A Twist in My Story CHAPTER1



Kringggg !! Kringgg!!!


BOOGHHH!!


“Ugrrrh sheyyt!” yung na lang ang aking nasambit dahil sa pagkakahulog sa aking kama. Dali dali kung kinuha ang alarm clock na katabi lang ng kama at agad kung pinatay.


Tiningnan ko yung oras, “4 am pa pala”, sambit ko sa aking sarili habang hinihimas ang pwet ko dahil sa lakas ng pakakahulog. Nakagawian ko na kase ang magising ng maaga para magpapawis.


Kinuha ko agad ang Jogging Pants sa cabinet at sando para makapag-jogging na ako.
Palabas na ako sa condo unit ko ng Makita ko ang katagang ‘K&R’ at sa baba nito ang numero ng kwarto. Ito kase ang tanging regalo ni ken sa akin bago pa sya lumipad pauwi sa London.


Si Ken ay isang sikat na Ramp Model sa London at ang una kong minahal.

---
3 Years Earlier


Isang maaliwalas na umaga ang bumati sa akin, bumangun sa pagkakahiga at niaayos ang aking higaan. “Isang ordinaryung araw nanaman para sa akin”, ang tanging nabulalas ko. Kinuha ko ang aking camera at echinarge ko ang baterya nito. “Parang trip ko mamundok ngayon ah”, pagka-usap sa sarili.


9:00 AM, ayus na lahat ng gamit na dadalhin ko para mamundok. May listahan pa talaga ako sa gamit na aking dadalhin.


“Camera and extra battery?”, CHECK!


“Water?”, CHECK!


“Extra Shirts and Pants?”, CHECK!


“Biscuits?’, CHECK!


“Flashlight at Payong?”, CHECK!


“Alright, ready na ata ang lahat!”,

9:24 ako umalis sa bahay. 30 minutes din ang byahe papuntang Mt. Agad-Agad isang kilalang bundok sa aming probinsya, dahil sa nag-commute lang ako. 10 AM rin ako nakarating sa paanan ng bundok, kaya sinimulang kuna agad para naman malayo-layo ang marating ko.

“Maswete ata ako ngayong araw na ‘to ah, magaganda lahat ng kuha ko.” Habang tinitingnan ang pictures na kinunan ko.

Mga ilang oras rin akong palibut libut sa bundok, di naman ako takot mawala kase may sinusundan naman akong daan kaya ok lang.

Hanggang sa mag-low battery ang camera ko. Kaya napagpasyahan ko na bumabana nalang kase 4PM na ng hapon.

 Nakarating ako sa main camp at nagtaka naman ako sa medyo madami-daming tao, may kumakarga ng mamaking poste, may reflector, electric fan na malaki at madami pa at may parang may mga model na mini-make upan at nakabihis ng comouflage na mga underwear at may nakita rin akong mga photographer tingin ko lang sa malayo talagang professionals na tingnan at may lalake din naka-upo sa parang couch na upuan, sa tingin ko ay director nila yun.

Na-curious naman kaya napagpasyahan ko na makiisyoso na din para na din makapanuod. “Parang mahihirapan ako nito ah”, ang sambit ko sa sarili ng Makita ang taong na uumpulan.

Dahil sa kagustuhang makapanood, nakikipagsiksikan ako sa mga taong nakikiisyoso din. Di ko talagang makalimutan ang tagpung iyon dahil sa pakikipagsiksikan nadapa ako.

KAPLAKK!!


“totekk naman oh, nadumihan mo sapatos ko.”, galit na pagkakasabi ng isang babae na nakikinood rin.


“sorry naman, kase ang sikip sikip at tsaka natural na madudumihan yang sapatos mo eh nasa bundok tayo.” Ang mahaba kung depensa, napalakas ata ang pagkakasabi ko.


“CUTTTTT!!”ang galit na sigaw ng director ng photoshot.


“kung pwede wag kayo reto mag-away at pwede kung may plano kayong magsapakan dun kayo sa walang makaka-awat para naman may katahikan rito” ang dugtong ni derik.

Dahil sa hiya, nakayoko ‘kong nilisan ang lugar. Di pa ako nakakalayo may narinig akong  boses lalaki na kinasausap  ang director nila.

“direk naman, Break naman natin eeh..” sabi nang boses lalaki.


Di pa din ako nakatingin at patuloy lang sa paglalakad.


“kaya pagbigyan na natin sila, at please direk relax lang ang alta-presyon mo yan.” Ang senserong pagdudugtung ng lalaki na animo’y isang anak na nag-aalala sa tatay nya.

“Wait lang Direk may hahabulin lang ako”.  Ang sabi ng lalaki.


Sa di kaya kalayuan ay may narinig akong parang tinatawag ata.


“PSSST!! Huy… Mr….!” ang sunud sunod na pagtawag na galing sa likud ko.


Dahil sa curiosity napatingin ako kung san galing yun at sakto namang natapilok ako, natumba at pasubsob sa isang dibdib, dibdib ng lalaki sure ako dibdib yun ng lalaki. Dahil sa hiya at pangilabot ay agad ko ‘tong tinulak, di naman kalakasan sakto lang na malayo ito sa ‘kin.

Nang napatingin ako sa mukha nya, parang na starstruck ako dahil sa isa ito sa mga model . Pero di ko naman pinahalata.

“ sinundan talaga kita para mag-sorry sa pagkakasigaw ni direk..” ang senserong sabi ng lalaki na di ko sya pinatapus at agad akong tumalikod.

Saktong lalakad ng biglang hinawakan nya kamay ko. At first na-shock ako pero later on I felt comfort, seguro dahil sa malambot nyang kamay.


“Okay lang yung, kasalaan ko naman talaga..”, nakayoko kong tugon.


“at pasensya na rin sa pangdidisturbo ko sa set nyo.” ang malumanay kong dugtong.

Para namang wala itong narinig sa mga sinabi ko at biglang nagsalita.

“So okay lang na invite kita sa set, wag kana mag-alala kay direk sagot kita”.. nabigla naman ako sa offer nya at sobrang hiya din tumanggi na din ako.


“Hindi na rin kase baka hanapin  ako ng mga kasama ko”, ang palusot ko kahit wala.

“sooo.. You left me no choice..,” sabay karga sa akin nung parang sa mga bagong kinakasal. Nakakahiya man pero nagpaubaya na lang ako kase naramdaman ko naman yung feelings na safe na safe ako.


Tahimik nya akong kinarga kaya binasag ko nalang ito sa tanong. “Excuse me, san mo ba ako dadalhin?” ang patatanong ko sa kanya. Di naman sya nagsalita at biglang lumiko sa maraming puno, nung mga panahong yung sobrang ang dami kong iniisip merong baka gahasain ako nito o di kaya patayin o di kaya … basta ang dami dami pumasuk sa utak ko, sabayan pa ng mabilis na kalabog ng dibdib ko parang lalabas na ang puso ko. Pero biglang nawala lahat yun nung nagsalita sya.


“Relax, di kta aanuhin. Sa likud tayo dadaan para maka-iwas tayo sa maramiing tao sa harap at ma-issue pa tayo”, sabay ngiti sa akin. “Para talaga syang anghel na bumaba sa langit”, sambit ko sa aking sarili.


“Oh andito na tayo”, sabay baba sa akin. Hiyang hiya talaga ako sa kanya.


“kanina pa tayo nag-uusap pero di ako nagpapakilala, ako pala si Ken Jen Sui”, sabay abot ng kamay sa akin. Dahil sa hiya ay di ko na inabot kamay nya pero nagpakilala naman ako. “Rom Santillan”, sabi ko na nakayoko.

“Korean ba sya?” ang tanong ko sa aking sarili.

“if you wonder about my last name, YES! Half Korean ako, nanay ko pinay kaya yun.” ang sabi nya na may diin sa YES.



“ahh kaya pala, so bat mo ba ako dinala rito?” ang pataray kong tanong sa kanya.



“Chill, may camera kang dala for sure photographer ka”, sabay turo sa camera kung dala.



“Amature to be exact and product lang ng nature ang kinukunan ko.”, ang papilisopo kong tugon.



“Will, Since Product din naman ako ng nature , vegetarian kaya ako”, sabay akbay sa kin.



“Eh nagtanong ba ako?” sarkastiko kung tugon sabay tapik sa kanyang kamay ng nakaakbay. “ang bango nya”, sambit ko sa sarili ko.



Natawa naman sya kahit papaano. “kyut nyang tumawa, para talaga syang anghel please tumigil kana baka ma-in love ako ng wala sa oras.” ang pakikipag-usap ko sa aking sarili.


“teka lang ah, tingnan ko muna si direk baka hinahanap na ako.” sabay kuna ng mauupuan, “oh yan upo ka muna a minute balikan kita” dagdag nya sabay takbo sa set nila.


Since wala naman akong ibang magawa tiningnan ko na lang ang mga kinunan ko kanina. “Ang ganda talaga ng mundo”, sambit ko sa aking sarili.


“Wow”, ang familiar na boses lalaki sa aking likuran, “ang ganda naman oh , sabi ko nangaba photographer ka eh”, ang tuloy tuloy nyang pagpuri sa aking mga kinunan.


“Papatayin mo ba ako wah?” napasigaw ako sa sobrang gulat. “Sorry naman, eh ang ganda kase eh. Di ko mapigilan di makasigaw sa sobrang ganda”, ang sabi ni Ken.


“Lakas makalait lang ah”, sa seryoso kung tugon sabay taas ng kilay. Kinainis ko yung huling sinabi nya tumayo na ako at nagpaalam.



“Ahh, ken alis na ako. Medyo Late na din kase, baka hanapin na ako neto.” Ang pasinungaling ko kay Ken. Ayaw ko kase nae- exaggerate ang tao pagnakikita yung mga pictures na kinunan ko, para kase sa ‘kin eh ang OA lang. Okay na kase ako sa NICE, MAY FUTURE KA!, KEEP UP THE GOOD WORK, ganito ganyan. Seguro di lang ako sanay, seguro nga.


“Ocge, hatid na rin kita sa baba at sabihin mo na rin sa mga kasama mo na sumabay. Uuwi na rin kase ako.” Ang sabi ni Ken na aking kinabigla.


“HOOOOWWHHHAT?” sa ‘king isip.



“Uy, ang OA na aah. Kakilala lang natin eeh hatid agad?” pabiro kung tugon.
“Safe ka naman segurong kasama”, sabay akbay na may nakakalokong ngiti.



“Sheeyyytt!! Habang tumatagal mas lalo syang guma-gwapo” bulong ko sa aking sarili.

“Oh will, If you insist”, sabay tapik sa kamay nyang naka-akbay.



“For a second, kukunin ko lang sasakyan ko”, at agad nyang tinungo ang kotse nyang di naman kalayuan sa aming kinatatayuan. Parang familiar ang kotse nya, FJ Cruiser ng TOYOTA sa pagkaka-alala ko.



“San pala mga kaibigan mo?”, ang tanong nya at sabay bukas nya sa passenger seat.


“uhhmm-aammm, actually ako lang naman talaga mag-isa”, pag-amin ko.


“Hop in,  wag ka nang mahiya”, sabi nya na hindi pagpansin sa sinabi ko.


Pumasok naman ako agad sa kagustuhan kung umuwi dahil sa sobrang pagod sa katawan na aking naramdaman.  Dahil sa nakakabinging katahimikan ay nilabas ko ang iPOD ko tapus hinanap ang paborito kong pinakikinggan tapus I clicked the play button. First hit ‘My Tears are Flowing’ Korean version. Agad ko namang pinikit ang mga mata ko para ma-feel ang kanta.

Di ko napansin na tinitingnan ni Ken ang iPOD.


“Ano pala pinapakinggan mo, share naman dyan?” request nya sabay ng nakakagagong ngiti. Naisip ko naman baka makarelate sya kaya nilagay ko yung isa earphone kaliwang tinga nya.


“oh? Seriously? Korean to wah, di halata na mahilig ka pala sa mga ganito.” ang makwela nyang litany habang nagmamaniho. Di na ako umimik pa dahil sa sobrang pagod at antok na nararamdaman ko.



“So san mo gustong ibaba?”, tanong nya.



“Seguro sa mall na lang”, ang malamig kong tugon.



“May bibilhin ka?”, tanong nya.


“Wala naman, kakain lang gutom na din kase ako”, nakangiti kong tugon sa habang nakatingin sa kanya.



“Jolibee!”, ang may sigla nyang pagkakasabi.



“HAAAA??” pagtataka ko.


“Jolibee tayo, medyo gutom na rin kase ako.” Si Ken


Wala na din akong nagawa kase niliko na nya ang sasakyan paputang parking lot. Lingun sya ng lingon halatang 1st time nyang makapasok sa mall.


“First time?”, tanong ko sa kanya.



“Yes,  ‘nong ‘sang araw pa kase ako nakarating reto”, na may diin sa Yes.



“baba na tayo gutom na talaga kase ako, wait threat mo ko ha. Wala kase akong pera”, pasinungaling ko. Sya kasenag-invite kaya sya dapat ang manglibre ganun talaga ako, di naman sa korepot ako talagang naka-set na sa utak pag sino nag-invite sya dapat ang gumastos.


“Sure thing”, ang magiliw nyang sagot.



Tinungo namin ang Jolibee. Habang naglalakad biglang napako ang tingin ko sa isang cute na wrist watch kase ang design ay plant vs. zombie. Addiction kun a talaga ang bumili ng wrist watch na may unique na design at stress reliever na ‘to para sa ‘kin.



“Gusto mo?” tanong ni ken.


“Di naman, nakyutan lang”, sabi ko. Sa totoo lang gusto ko sanang bilhin pero di na lang baka ako pa ang maka-libre sa kanya.


Nakarating kami sa Jolibee at maswerte kami dahil kunti na lang ang tao.


“Hanap ka ng mauupuan, bibili ako lang ako”, sabay tungo sa counter.



Napili kong upuan ang couch na malapit sa mirror na transparent at para naman ma-relax ang likud.

Kita ko syang papalapit sa lugar na aking napili at agad naman nyang nilapag ang kanyan na-order at umupo. Medyo nahiya pa nga ako dahil sa dami na pinamili nyan. Di naman talaga ako matakaw, pagkumakain nga ako eeh half rice lang.


“Ooh bat ang dami?”, tanong ko na may ngiting pilit.



“Pasin ko kase kanina na kinakarga kita ang gaan-gaan mo..”,



“Excuse me Mr. Sui, I am watching my carb”, sarkastiko kung sagot.



“Sorry naman”, tugon nya habang lumalamon.



“Okay lang ano ka ba, pero may idea ako pabalot mo na lang yang iba, may dadaan tayo okay lang?”, sabay kindat sa kanya. Ewan ko ba parang angtagal na naming makakakilala nito kumag nito at ang gaan-gaan pa ng loob ko sa kanya.


“Sure!”


Natapos kaming kumain at lumabas sa mall bitbit ang pinabalot naming pagkain. Di naman naming yung ginalaw kase sabi ko sa kanya kaiinin lang nya ang makakaya nyang ubusin wala namang problema sa kanya. Nakarating kami sa mga batang naglalaro sa tabi ng daan ang iba nakahiga at naghahanda ng matulog.

Tinawag ko sila at agad namang lumapit ang batang babae.

“Tawagin mo yung iba may surprise ako sa inyo dali”, pag-uutos ko sa bata sa malumanay kong tono.



Agad namang sumunod ang bata ilang mga bata. Nagkumpuluan sila sa harap naming ni Ken, pansin naman ko naman kay Ken ang pagkadiri kaya sinabihan ko sya na sa kotse na lang sya mag-intay o di kaya maula na lang sya.


“Ken, dun ka na lang sa kotse mag-antay makikipaglaro pa kase ako sa kanila pagkatapos nilang kumain o di kaya mauna ka nalang, maraming salamat pala”, sabay hagud sa likud nya.

Binigayan kuna isa-isa ang mga bata makakain. Ang anim na burger ay hinati ko para mabiyan ako lahat at ang spaghetti naman ay hinati ko.


“Huy!, Parang sanay ka sa kanila ah”,pabulong na sabi ni Ken.



“Ah uu once a week kase pumupunta ako rito magkapa-feeding program..”, proud na sagot k okay Ken.


“Ken excuse lang bibili lang ako ng tubig baka mabilaukan yang mga yan, mabilis lang ‘to”, patakbo kung tinungo at bumili ng sampong ice water.

Halatang di sanay si Ken sa amoy ng mga bata kase nang makarating ako ay nakatakip sya sa kanyang ilong ng isang blue na panyo. Kahit naman kase ako nung una, pero nangibabaw pa din ang awa kesa pandidiri.



“Ken, you okay?”, halatang nabigla sya sa aking pagsulpot kase bahagya syang napatalon sa kinatatayuan nito.



“Ikaw pala yan Rom,..”, sabay alis sa pagkakatakip sa ilong nito.

“Okay lang yan, takpan mo ulet yang ilong mo baka magkasakit ka pa.”, sabay bigay sa mga bata ang ice water na binili ko.



Matapos magpakain nakaramdam ako ng pagkahilo kaya di na lang din ako nakilaro gaya ng aking kinagawin. Pinauna ko na rin si Ken kase Late din at sobrang nakakaisturbo na ako sa tao.


---

Ilang Linggo din na hindi nag-cross ang landas namin ni Ken, di ko naman sya hinahanap kase medyo sanay na rin kase ako. Kahit ganun kagwapo si Ken parang di rin sya ang gusto kung makarelasyon kase feel ko din na straight sya.


Dahil sa na-Bored ako sa bahay agad akong naligo para makapagtambay kahit saan. After 15 minutes tapus na akong maligo agad akong nagbihis. Simply lang ako manamit kase nga mas maganda tingnan ang tao pag nasa simpliest form lang ito, parang math lang. Kinuha ko agad ang camera ko at ni lock ang bahay pumuntang sakayan.

Sa coffee works ako tumambay buong hapon, nakakahiya naman na puro lang tambay syempre nag-order din ako ng Coffee Latte na paborito ko.

Nag-iisip ako kung anong pwedeng e-theme for next year. Nasa ganun akong pag-iisip ng may biglang may nagsalita sa likud.



“Sees who’s here”, sabi ng familiar na boses sabay upo sa harapan ko.



“K-Ken?”, ang nauutal kung pag pansin ka kanya dahil sa mas lalo pa syang gumwapo. Lalaking lalaki syang tingna sa suot nyang Plain white T-shirt at nakashorts lang sabayan pa ng hairstyle ng para talagang Korean ang dating sa akin.



“nag-iisa ka ata?”, deritsong tanong nito.



“Di naman, actually I’m with my friend..”, pabiting sagot ko sa kanya.



“Girlfriend?” seryoso nyang tanong sabay kunot ng noo nya na mas lalo syang gumwapo.



“NOPE!”,  sabay flash ng ngiti

.
“I’m with my shadow”, sabay tawa ko na himpit.



“Nice try!”, tugon nga na may sarkastikong ngiti.


Maraming kaming napag-usap ni Ken about sa photography, kung san na sya nakarating sa pagiging modelo nito.


Tumingin ako sa relo ko 6:04PM na pala. Kailangan ko pang magluto, eh kase napasarap ng kwentuhan. Nagpaalam na din ako kay Ken.



“Ken, una na ako may aasikasuhin pa kase ako sa bahay”, akmang tatayo na sana ng bigla nya akong pinigilan.



“Hoowait! Pahiram ng cellphone mo may-tetext lang ako, ok lang ba?”, favor nya sabay abot ng CP ko sa kanya.



“Oh yan, im done. Maraming salamat sa oras Rom. I really had fun.”, tugon nya habang inaabot nya ang CP ko.



“No worries, ikaw pa malakas ka sakin”. Sabay kindat sa kanya.



Nilisan ko ang Coffee Works at agad pumara ng jeep para makauwi na ako.

Sakto ang dating ko sa bahay wala pa sila mama, ako lang at mga kapatid ko, yung nakakatandang lalaki at yung kasunod sa akin lalaki din. Hindi ako close sa kanila, medyo close naman kami ng ate ko kase may pakakapariha kami papa-ano.


Beef in Creamy Mushroom Sauce ang menu for this night, nagluluto talaga ako ng masarap pag masaya ako. Seguro sa pagluluto ko narin binubuhos lahat ng pagmamahal ko kase nga wala pang nagpapatibok ng puso ko ito iwan ko ba bat ganun.

Hinanda ko yung lamisa at nilagay ang hapunan naming, nauna na rin akong kumain sa kanila para makapagpahinga na rin. Pagkatapos kung kumaen, nilagay ko yung ulam sa refrigerator at naglipit na din ako sa aking pinagkainan.

Umakyat agad ako sa aking kwarto at pumasok agad sa CR para maligo. Matapus ang sampong minuto ay lumabas na din ako para makabahis. Habang pinapatuyo ko ang buhok ko bigla naman nag-vibrate yung cellphone ko. Kinuha ko ‘to at tiningnan, text galing sa unregistered number.


Unknown Sender: Hi, pwede textmate?


Itutuloy..