Mga Pahina

Lunes, Nobyembre 21

Funeral 3

Bago o ng trabaho through internet. Kasulukuyan akong naghahanap ng trabaho ng may biglang pumasok sa utak.



Kinuha ko yung cellphone ko para mae-text si Dianne para bukas.




‘Dianne, si Kristopher ito. Sure ba kayo sa makalawa?’. Text ko nito.



Wala akong natanggap na response kaya naman bakit ulit ako sa pagja-job hunt. Nakailang menuto rin nang nag-vibrate tung cellphone na nasa tabi ng aking laptop. Agad ko naman itong kinuha at tiningnan kong sino ang nagtext, si Dianne.





‘Hi Kris, OO sure na yun pero kunti lang yung mamakakapunta. Busy kasi yung iba alam mo naman ngayon.’, reply ni Dianne.




‘Okay lang at least meron, di ba? Sya sige, see you?’, reply ko naman.




‘See you, magdadala na rin kami ng pagkain para may pagsasaluhan tayo.’, reply nito.




‘Better.’, reply ko naman.




Hindi na sya nagreply kaya naman binalik ko na yung cellphone ko sa katabi ng aking laptop. Nang ilang minuto rin nang dinalaw ako ng antok kaya naman humiga na ako at natulog.




Nagising na lang ako sa sinag ng araw galing sa bintana na naiwan kong nakabukas. Tiningnan ko yung orasan na nasa side table 7AM pa naman.



Naligo ako at nagbihis, wala naman ako masyadong gagawin kaya napagpasyahan kong maglakad-lakad sa malapit na parke. Maganda ang araw na ‘to, di masyadong mainit tama lang.



Kinuha ko ang iPod ko na nasa bulsa at isa-isa nilagay sa tinga ang mga headset nito sabay click sa play button.


You’ve been on my mind
I grow fonder everyday
Lose myself in time,
Just thinking of your face
God only knows
Why it’s take me so long
To let my doubts go
You’re the one the I want




Patuloy naman ako sa paglalkad at ninanamnam ang bawat sandali na meron ako. Ang hangin na dumadampi sa aking balat ay nagbibigay nang anong ginahawa.


Nakakita naman ako ng isang bench na sakto naman na nasa ilalim ito ng malaking puno kaya sakto ito para pahingahan. Umupo ako at at eni-enjoy ang moment na meron ako. Hindi ko mapigilan na hindi isipin si John, nakakalungkot pero okay na rin. Napabuntong hininga na lang ako.




Meron akong napansin na nakaupo di kalayuan sa aking pwesto, nakaupo sya mismo sa ilalim ng puno at may hawak ito parang notebook o ewan parang nagsusulat ata. Nilapitan ko ito.



So, I dare you to let me be your,
Your one and only
I promise I’m worth it
To hold in your arm
So come on and give me a chance

To prove I am the one who can
Walk that mile



Hanggang sa nalapitan ko na talaga ito.

‘Hi.’, bati ko rito.

‘Hey.’, sabay tanaw nito sa akin. Nagulat naman ako, sa lahat pa ng taong pwede kong Makita ay sya pa talaga. Tulad ng dati cute pa din ito, hindi mas gwapo na ito tingnan.  Ngayon ko lang napagmasdan ang mukha nito, brown eyes, mahabang pilik mata at talgang nangungusap ito.




‘What are you doing here?’, tanong ko didto.



‘Dan Emmanuel Ramarez .’, pangbabaliwala sa tanong ko rito.



‘Parati tayong nakikita but we never get a chance na magpakilala.’, dugtong nito.



‘So I’m Kristopher.’, sabay upo sa tabi nito.



‘Ano pala ginagawa mo rito mag-isa?’, tanong ko rito. Di naman ito sumagot kaya naman tiningnan ko ang hawak nitong kanina ay di ko mapagtanto kung ano. Drawing book pala ito at ginuguhit nya kung saan ako naka-upo kanila.



‘Di sana kita isasali sa drawing ko, pero bigla ka naman umupo kaya sinama na rin kita.’, sabay lahad nito sa kanyang ginuguhit na tapos na pala ito.




‘Maganda!.’, sabi ko na merong lokong ngiti. Natawa naman sya sa aking ginawa.



Sarap pakinggan ng kanyang pagtawa, parang buong-buong ito. Nasa ganon akong sitwasyon ng bigla syang nagsalita.



‘Sorry!.’, bigla nitong sabi.



‘Okay lang, sarap naman pakinggan eh.’, sabi ko naman.



Niyaya niya akong maglakad-lakad, nagkwento sya tungkol sa buhay nya. Tatlo isa magkakapatid galing sa isang broken family, ako naman nakinig lang. buong atensyon naman akong nakinig nito pag-broken family ang topic talagan nakaka-relate ako. Kasi tulad nya iniwan rin sila ng papa nila at sumama sa iba.



Kahit naman medyo triadic yung kwento ng buhay nya ay nakukuha pa nitong tawanan ang mga nangyari sa kanya at sa pamilya nya.



Nagkwento rin ako patungkol sa buhay ko maliban sa amin ni John.




Narating namin ang isang nagbibinta ng hotdog sa loob ng parke, medyo nakaramdam rin ako ng gutom kaya naman bumili ako ng dalawa para sa amin.




‘Hotdog?’, sabay abot nito sa kanya.




‘Salamat.’, maikli nito sagot at agad naman nitong kinagat ang hotdog.




Nag-enjoy naman ako sa company ni Dan. Kaya masaya akong umuwi. Mga hapon ng ako’y makauwi, usual wala na naman si mama kaya ang laptop yung napagdiskitahan ko.




Bigla kong naisip si John kaya agad akong na online sa Facebook para hanapin sya. Bigo akong mahanap ang profile nya.




Baka iba ang gamit nyang pangalan.’, sambit ko sa aking isip.


Dinalaw na ako ng antok kaya naman napagpasyahan ko ng matulog. 

Sabado, Nobyembre 19

Funeral 2

Nataranta ako pero di ko ito pinahalata. Wala akong ibang maisip para makalusot kaya naman nagtanong na lang ako rito.



’Me I know you?’, tanong ko agad rito.




‘Does anybody here know you?’, pambabaliwa nito sa tanong ko.



Seguro dahil sa hiya ay umalis na lang ako. Pero hindi nagpatinag ang binata instead hinabol nya ako.




‘Hey wait.’, pagpapatigil nito sa akin.



‘Hey..’, pasigaw nito pagtawag sa akin.




Nakalabas na ako ng simbahan kaya napagpasyahan ko tong kausapin.




‘Now what?’, bungad ko rito.



‘Tinatanong ka lang naman kasi.’, sabi nito na nakayoko.




Ewan ko ba parang napakagaan nang aking kaluoban sa kanya. Na-guilty naman ako sa aking ginawa kaya naman ako na lang ang humingi ng paumanhin.





‘Okay sorry, but I really have to go.’, sabay bigay ng pilit ng ngiti.






Muuwi na lang ako para na rin makapagpahinga. Kahapon pa kasi ako nakarating at seguro may jetlag pa ako. Sumakay na lana ako ng taxi dahil sa pagod na aking naramdaman. Medyo malayo-layo yung sa amin kaya kinuha ko ang aking cellphone sa bulsa at tiningnan ang mga picture namin ni John na magkasama.




‘I miss you John.’, sabi ko rito habang pinipindot and next.




Biglang lumamig ang loob ng taxi na nagpagaan sa aking pakiramdam. Alam ko na binabatayan parin nya ako.




‘Mahal na mahal mo parin ako noh.’, napalakas ata yung pagkakasabi ko dahil nakatingin yung driver sa akin. Baka isipin na nababaliw na ako kaya binigyan ko na lang ito ng isang ngiting pambata.




Narating ko ang aming bahay pasado 4:30PM. Habang papasok ako sa gate,naalala ko na mga 7PM pa pala darating si mama. Pagpasok ko sa bahay kusina na agad ang unang pinuntahan ko para makahalutkat sa ref. ng pagkain.




Sakto naman dahil meron pang natirang pizza. Ininit ko to sa microwave oven, di naman natagalan dahil sinagad ko agad ang init. Mga sampong segudo luto na agad ‘to.




Pamanhik agad ako sa kwarto ko na nasa ikalawang palapag. Kunuha ko ang aking laptop para ma-open ang account ko sa Facebook. Habang nakaharap ako sa Facebook, ganado ko naman kinain ang pizza. Naubos ko ‘to kaya bumababa ulit ako para makainum ng juice o tubig.




Bumalik agad ako sa itaas, pagkaupo ko may nag-message sa facebook ko. Si Dianne, kaya naman dali-dali ko ‘tong ni reply-yan.





’Uyyyyyyyyyyy… J.’, reply ko rito.




‘Kumusta kana? Kilan ka pa nakabalik?’, sunod sunod na tanong nito. Nagtaka naman ako kasi di pa naman ako nagpapakita sa mga kaibigan ko nung dumating ako.





‘Pano mo nalaman na nakabalik na ako, di pa tayo nagkikita ah?’, tanong ko.




‘Di nga, pero nakita ko mommy mo sa grocery store.’, reply naman nya.



‘Tologo?’, sagot ko naman.




‘Loko-loko, kelan mo balak magpakita? Miss ka kana kaya nila.’, reply nito.




‘Tsaka na seguro, next week to be exact.’, ako.




‘nako, kung maka-drama ka lang, will natanong ko narin kay tita kung san kayo tumitira ngayon.’, reply ni Dianne.




‘Don’t tell me..’, rereply sana ako ng nabasa ko na reply nya.



‘Pupunta kami dyan sa makalawa, okay ba?’, reply nito na aking kinagulat. No choice na ako kaya pumayag na ako.





‘Uy sige, dalhin mo silang lahat. Miss ko na kasi mga kalukuhan natin eh.’, reply ko naman.





‘Sige ba,sige tapus na yung break time. Work work na para magkapera.’, reply naman ni Dianne.





‘Akalain mo yun may tumanggap pa sayo, sige bye!!’, agad naman syang nag-offline. Pumunta naman ako sa profile nito nagbabasakali makuha number ni loka-loka, di nga ako nabigo kinuha ko ‘to at save agad.




Nasa ganun akong sitwasyon ng biglang may kumatok sa aking kwarto.





‘Ayyy palaka!, Mamaaa?!’, sigaw kong pagtawag sa mama ko.






‘Bumababa kana, sabay na tayong kumain.’, sagot naman ni mama. Bumababa naman ako agad para saluhan ang mama kong kumain.





‘Kala ko mga 7PM pa dating mo?’, bungad ko rito na hinahanda an gaming kakainin.





‘Na cancel yung meeting ko kay Mr. Suarez kaya umuwi nalang ako, ayaw mo ba anak?’, ganito talaga kami mag-usap ni mama parang magkaibigan lang.





‘Anong ulam ma?’, sabay upo.




‘Afritada nak.’, sabay ngiti alam nya kasi na pareho nami tung paborito ni John.






‘Okay lang.’, sabay subo. Nakakamiss sya talaga ewan ba. Basta miss ko si John.








‘Sya nga pala ma, darating yung mga kaibigan ko sa makalawa kaya naman pagluto mo kami ng carbonara ha?’, sabay pa-cute kay mama.




‘Oh sya, pasalamatanak kita.’, sabay tawa naman ni mama.




Funeral 1

Kasalukuyan akong nakasakay sa bus patungo sa isang himlayan upang dalawin ang namayapa kong nobyo.



It’s been a long time nung huling dalaw ko rito. High school boy friend ko hanggang 2nd year college, sumama ako sa aking magulang papuntang Korean para dun na ipagpatuloy ang aking paaral at para na rin makalimut, double purpose ika nga.  Hindi naman ako nabigo dahil natanggap ko na wala na sya aking piling.



Nakariting ko ang isang pang mayamang himlayan, nakakatawa nga dahil kahit patay na may difference pa din.



Nasa ganun akong pag-iisip na di ko namalayan na huminto ang bus na aking sinasakyan, agad naman akong bumababa at tinungo sa loob ng simenteryo.




Pinuntahan ko yung puntud ng aking pumanaw na nobyo.



John Kenneth S. Alvarez
1993 – 2010




Yung lang ang nakalagay sa kayang lapida. Nilagay ko na ang dala kong bulaklak at inayus ang kandila at sinindihan ito. Nagdasal ako ng taimtim at kina-usap sya. Hiningi ko sa kanya kung pwede nab a akong magmahal ng iba. Alam ko yung rin ang gusto nya, meron syang malamig na hangin ang yumakap sa akin. Hindi ako natakot alam ko sya yun at alam ko na pumapayag sya.



‘Salamat John.’, ang tangi kong nasambit.




Para naman nanlamig ang aking labi at alam ko na huling halik na nya ito dahil simula sa araw na ito ay magmamahal  na akong muli.



‘Wag kang mag-aalala, parati kang naririto.’, sabay yakap ko sa aking sarili.




Nilisan ko ang pud ng lalaking minsan kong minahal ng lubos.




Kasalukuyan kong nilalakad ang simbahan na nasa loob ng sementeryo at pumasuk. Halatang pang mayaman nga, hindi mo aakalain na simbahan ito dahil kahit ako hindi ito masasabing simbahan. Pumanhik agad ako sa itaas gamit ang isang escalator. May naririnig naman akong taong nagsasalita di kalayuan.





‘Nag-umpisa na pala ang mesa.’, tangi kong nasambit sa sarili.





Lumapit agad ako para makahanap ng mauupuan, huling silya ang inupuan ko para naman hindi ako mailang.




Pagka-upo ko napagtanto ko na hindi pa ito Pari kundi isang binata ng nagsasalita patungkol sa kanyang pumanaw na kapatid.




Patuloy lang syang nagsasalita ng may napansin akong isang binata rin na hindi kalayuan sa aking inuupuan. Unang pansin ko pa lang rito napaka-updated sa fashion.



Nakawinter jacket ito na parang cardigan na kulang grey na manipis.




Tinitigan ko lang sya habang nakikinig. Bilag naman syang may kinamut sa likud nya at seguro nasa instinct nya na merong natitig sa kanya kaya seguro tumingin ito sa aking kinaruruuna.



Mapungay ang mga mata nito, maputla ang balat, pulang labi at napaka-itim na buhok.




Nagkatitigan kami nito ng mga ilang Segundo, ngumiti ito sa akin sa dimalamang kadahilanan.


Unpredictable pero Cute.’, sabi ko sa aking isip.





Nakinig ulit ako at pasimpleng numanakaw ng tingin sa binatang napaka-unpredictable.





Tumayo ang mga tao hudyat na tapos na ang binata sa pagsasalita. Agad naman silang nagtungo sila kung saan nakahanda ang pagkain bilang merienda. 




Nawala yung binata sa aking patingin dahil sa kakatingin sa mga tao patungo sa nakahaing merienda, kaya tumayo rin ako para saluhan sila.




Nakarating ako kung san nakahain ang merienda, imbes na kumain ay naglaro lang ako. Alam kong masama maglaro sa pagkain pero wala talaga ako sa mood para kumain kaya gumawa na lang ako ng isang pyramid gamit ang mga cracker ng my san graham.



Abala ako sa paggawa ng pyramid ng may biglang nagsalita sa aking likuran.



‘You like a Cracker huh?’, sabi nito.




Agad ko naman itong nilingun para Makita ang mukha. Nabigla ako dahil hindi ko inaasan ng lalapit ito sa akin. 

Huwebes, Nobyembre 17

Paint Me 2




Halata naman sa mga kasama ni Richard na nabigla at nagtaka ito sa aking itinuring.




‘Magkakakila kayo?’, tanong sa akin ni Tanya na halata sa mukha ang pagtataka.




‘Ah. Wala don’t mind such foolish.’, tugon ko nito para mawala ang pagtataka nito.




‘Richard meet Rom Ramirez, kaibigan ni Tanya.’, sabi ni Charlie.




In instant, agad namang nilahad ni Richard ang kamay nito.




‘Richard pare.’, sabi nito. Agad naman akong nakipagkamayan rito bilang pagrespeto na rin.




‘RR na lang dude.’, sabi ko na walang emotion ang mukha.



‘Nice meeting to you RR.’, tugon nya.




Masaya naman sila kainuman. Talagang Professional silang tingnan pero meron din naman pa lang pagkakalog, kaya masasabi kong hindi sila mahirap pakisamahan. Si Tanya naman bangag na, kaya upo na lang ‘to.


‘Guys lets go dance.’, sabi ni Charlie na agad namang hinila sina Laura at Samantha. Tumayo naman ang mga ito. Nagpa-iwan naman ako para samahan si Tanya para naman bantayan ito baka kung anong gawin. Si Richard naman ay pumuntang Counter para umorder nang maiinum.




Mga pasado alas dos na kaya umuwi na kami ni Tanya, iuuwi ko na lang muna ito. Samatala ang iba naman ay nagpa-iwan dahil may tama na ito sasayaw muna daw sila to enjoy the night.






Maaga naman ako nagising, ewan ko ba parang may sariling wake up alarm ang katawan ko. Tiningnan ko muna ang cellphone ko para tingnan ko kung anong oras na. Sakto naman na 6:23AM pa kaya tumayo agad ako para naman makapaghanda ng makakain.




Pagkalabas ko sa kwarto kita ko agad kong gaano kagulo ang aking apartment. Di ko muna ito pinansin at agad tinungo ang kusina para makapagluto na. Mga pasado 7:48AM ng matapos akong makapagluto, agad ko naman itong hinanda sa lamesa. Ginising ko si Tanya para makapag-agahan ito.





Tahimik lang kaming kumain nito. Ganito talaga ‘to pag may Hang Over kaya naman hinayaan ko lang ‘tong tapusin ang kinakain.




Dahil medyo na bobored na din ako kaya binasag ko ang katamik sa aming dalawa.


‘Did you sleep will?’, pambabasag ko rito.




‘Nope, im suffering back pain. Tigas ng kama mo, sana inuwi mo na lang ako kasi.’, tugon nito na parang nagtatampo.





‘Sorry naman, inaatok na kasi ako kaya naman inuwi na lang kita para makapagpahinga na rin ako.’, sabi ko rito na tawang-tawa.





Matapos kaming kumain pasado alas nuebe ng umaga kaya naman nagpasyang maligo ni Tanya dahil nanglalagkit na raw sya. Meron pa naman itong damit na iwan sa apartment dahil nga sa naging kami dati. Dahil alam kong magbabad yun sa tubig o di kaya magba-bubble bath kaya panigurado matatagalan ito kaya nilinis ko muna apartment ko.




Kalahating oras nagtagal si Tanya sa loob ng Cr kaya naman bago ito makalabas nalinis ko na ang buong apartment, maliban sa pinturang dumikit sa dingding at sahig ng boung paligid. Mabilis ko ‘tong nalinis dalhin di naman ito kalakihan pero di rin kaliitan, pang dalawang tao kumbaga.




Pagtapos maligo nito agad naman akong pumasok para Cr para makapaglinis na rin. Di naman ako katagalan maligo.




Nang matapos maligo ay niyaya ako ni Tanya ng kumain sa labas pumayag naman dahil wala naman akong medyo gagawin. Kumain kami sa isang restaurant na di kalayuan sa aking tinutuluyan, masarap naman ang mga pagkain rito kaya nabusog ako kahit papaano.




Matapos kumain nag-mall naman kami para makapamili ng kung ano-ano.




‘Ano bibilhin mo?’, ang tanong bilag ni Tanya.




‘Mga pintura seguro, kulang na kasi yung mga kulay ang andun.’, sagot ko naman rito.



‘Ocge dyan na lang muna ako bookstore, samahan mo ‘ko mamaya bibili ako ng sapatos.’, tugon ni Tanya.




‘Okay, so I’ll be seeing you later?’




‘Sure.’, tugon nito sabay tungo sa bookstore. Ako naman ay agad pumunta kung san pwedeng makabili ng pintura na aking gagamitin para sa mural na aking gagawin sa isang itatayong bagong museum.




Nang makabili ako ng mga pintura ay agad ko naman kinuha ang cellphone sa bulsa para tawagan si Tanya ko san ‘to. Papalabas na sana ako sa store na aking pinagbilhan ng may papalapit na isang familiar na mukha kaya naman pilit kong inilala kong san ko ‘to nakita. Nakapasok na sya, tiningnan ko ‘to mula mukha hanggang sa pababa. Gwapo naman ito parang si Edward Collins kong maihahambing, medium built ang pangangatawan at maputi at mas matanggad ito sa akin ng kaunti.




’Hi RR.’, sabay smile sa akin.




‘Tama, si Richard nga ‘to.’,  sabi ko sa aking sarili.





Nabigla naman ako sa ginawa nito, nilapit nito ang mukha sa akin na aking kinabigla. Dahil sa aking pagkabigla naitulak ko ‘to.  Di naman ito kalakasan sakto lang para malayo sya ng kaunti.




Halata naman sa mukha nya ang pagkabigla sa aking ginawa.




‘H-hello Richard.’, na-uutal kong bati rito.




‘Are you okay?’, tanong nito bakas naman sa mukha nito ang pagtataka sa aking tinuring.





‘Y-Yes Yes I’m fine’, tugon ko rito.




‘It seems not, are you sure?’, tanung nito.




‘Sure, excuse lang tatawagan ko pa kasi si Tanya.’, sabay dial ng number ni Tanya.




‘Andito sya?’, tanong nito.




‘UU..’, ningitian ko naman ito para naman maging mabait ang dating.



‘Excuse lang, nag-ring na kasi balikan kita mamaya.’, sabay labas sa tindahan.





‘Okay, bili na din muna ako ng pintura.’, si Richard.





Matapos matawagan si Tanya agad naman akong bumalik sa aking pinagbilhan kanina, habang papasok ako naisip kong ilagay ang cellphone ko bulsa kaya naman hindi ko namalayan na meron na pala akong nabanggang tao.






‘Sorry.’, paghingi ko nang tawad.






‘Okay lang, So san tayo ngayon?’, familiar ang boses kaya naman tiningnan ko agad. 

Miyerkules, Nobyembre 16

Paint Me


Nagising na lang ako dahil sa sinag ng araw na nagpapainit sa aking balat. Unti-unti kong nilibot ang aking paningin, makalat ang buong paligid maraming pintura na nagkalat kaya naman pinagpasyahan kong bumangun para makapaghilamus. Unti-unti akong tumayo ng biglang may tumunog.



-BEEP- BEEP –



Agad ko namang inabot ang aking cellphone na nasa tabi ko lang, tiningnan ko ‘to kong sino ang walangya nag pagising sa akin.



Isang text na galing sa aking pinakamamahal na best friend, Si Tanya. Aside sa pagiging mabuti nitong kaibigan para rin tong nanay pag nagsasalita o di kaya kapag pinagagalitan ako nito. YES! Pinagagalitan ko ako nito, okay lang din naman sa akin kasi miss na miss ko na ang pagkakaroon ng nanay,  kaya naman mahal na mahal ko ‘tong best friend kong ‘to.



Si Tanya ay Phil-American, nanay nya filipino pero ang tatay nito ay isang foreigner. Sa states sya lumaki, mahahalata naman sa pananalita nito parang maarte yung tono nya pag nagsasalita ng tagalog. Sa edad na 21 tatlo pa lang ang naging boy friend nito at isa na ako dun.




‘Where you at?’ Heads up, mamaya na exhibit mo. ‘, text ni Tanya.




Para naman akong binuhusan ng malamig na tubig sa pagkakabasa ko sa mensahe nito. Agad ko naman tiningnan ang wall clock na malapit pintuan ng aking apartment.



‘5:19PM. OM, malalate na ako nito.’, ang sabi ko ng makita ang oras sa wall clock na malapit sa pintuan ng aking apartment na aking at dali-daling pumunta sa cr para maligo.



‘Wait wait, 5PM pa pasado kaya chill ka lang Rom. 7:30 pa ang exhibit.’, sambit ko sa sarili.



Pagkatapus maligo ay hinanda ko na ang aking mga paintings na isasalang sa exhibit. Nang natapos kung maprepara ang mga paintings ay hinanda ko na aking susuotin. Kumain nang kaunti at umalis na pagkatapus.



6:00PM ng makarating ako sa exhibit. Sa Casa Gorordo Museum gaganapin ang exhibit, bukod sa sikat ang museum na ‘to sikat rin ito lalo na sa mga nagahahanap ng exotic na art work ng mga sikat na artist.



Dumalo ang mayor ng lunsod ng  Cebu city sa exhibit kasama ang asawa nito, nakarating rin ang mga personal kong inimbita na galing pa sa Korea at ang mga kilalang personalidad gaya ng asawa ng mga politiko na galing ng maynila.



Successful naman ang exhibit, marami ang naibitang paintings maliban sa isa sa mga ginawa ko. Kahit kasi naman ako hindi ko maintindihan ang mensahe ng ginawa ko. Napagpasyahan ko na umuwi na lang dahil sa pagod na aking nararamdaman. 



Kasalukuyan kong tinatahak ang daan pauwi sa aking apartment ng may magtumawag sa ‘kin.



oh Tan?’ tanong ko rito.




‘Sang Bar ba yan?’, sunod kong tanong  rito.



‘Okay, hold still. Daan na lang kita.’, tugon ko rito sabay end call.




Agad ko naman binilisan ang pagpapatakbo ng sasakyan para marating sa Club na sinabi nito.  Medyo natagalan papuntang sa Club kase medyo kalayuan ito sa lugar kung saan ginanap ang exhibit, malapit ito sa Waterfront kaya naman medyo mga sosyal panigurado ang mga kasama ni Tanya.



Pagkarating ko sa Penthouse marami ang tao dahil Friday sa araw na iyon. Naghanap agad ako ng lugar kung san pwede i-park ang sasakyan, maswerte naman dahil agad akong nakakita di naman ito kalayuan sa Penthouse ko san na party party ang kaibigan ko.



Pagkaka-park ko lang ng sasakyan ay tinawagan ko muna si Tanya para sabihin na nandito na ako. Maswerte naman dahil agad naman nitong sinagot ang tawag ko.




Oh san ka?, dito na ako.’, bungad ko rito.



‘Okay, dyan ka lang.’



Agad ko namang hinubad ang aking Americana para naman hindi halata na galing sa kung saan man, naka-polo na long sleeve na lang ako at hinubad ko rin ang aking necktie at tinupi ng kaunti ang sleeve para pang gala na tala tingnan.



Bago lumabas tiningnan ko muna ang aking sarili sa salamin para naman hindi ako pagtinginan ng mga tao mamaya. Okay all set na.



Agad ko naman tinungo ang table kong san nakikipag inuman ang aking best friend, malayo paman ay tanaw ko na ‘to. Meron ‘tong kasama mga professionals tiningnan pero naka-attire talaga ‘to na pang gala kaya naman medyo nahiya ako sa sarili ko kaya napagpasyahan ko na mag-CR na lang muna para makahugut ng tapang pangharap sa kanila.




Di talaga ako hilig sa pakikipagsosyalan, buti na lang meron akong kaibigan na kabaliktaran ko at napaka-supportive pa.



Maswerte naman na di ako nahalata ni Tanya kaya diretso lang ako sa CR.



Pumwesto na agad ako sa urinal para makapagawas. Nanalamin rin ako, para e-check ang pagmumukha na ihaharap ko sa kanila.



Palabas na sana ako ng meron bumangga sa akin.




‘Shit naman!’, galit ko sabi rito.



‘Sorry dude.’, tugon nito.



Di ko na lang pinansin dahil ayokong ma-bad trip, gusto kong magsaya ngayong gabi pagkatapos ng ilang buwan ng stress dahil sa paghahanda sa exhibit.



Hey!’, bati ko kay Tanya sabay kalabit sa likud nito.



What’s take you so long?, bungad ni Tanya na halatang may tama na ito.



’Anyway guys meet my friend Rom Ramirez the one I’m talking earlier, the painter, my best of friend.’,  sabi nito na parang nagpi-flip top.



‘Nakakatawa talaga tong babaing to pag nalalasing.’, sambit ko sa aking sarili.



‘Oh sya umupo kana lang dyan.’, ang awtirisadong sabi ni Tanya.



nagpakilala naman isa-isa ang mga kasama ni Tanya, kaya pala sila magkakasama dahil reunion nila magbabarkada. May mga trabaho na ang mga ‘to, dumayo lang sila rito para makapagbakasyo.



Si Charlie nagtapus ng BSHRM at kasalukuyang nagtatrabaho sa isang kilalang restaurant sa Makati. Si Laura Kenny isang Phil-American din at nagtapus ng architecture sa korea, samantalang si Samantha Rund naman na isa ring Phil-American may restaurant rin pala rito sa cebu.

‘Oh ito na pala si Richard.’, ang sabi ni Charlie.



‘Ikaw!?’, ang sabi ko ng maka-upo ito sa tabi ko.




Itutuloy -