Mga Pahina

Sabado, Nobyembre 19

Funeral 2

Nataranta ako pero di ko ito pinahalata. Wala akong ibang maisip para makalusot kaya naman nagtanong na lang ako rito.



’Me I know you?’, tanong ko agad rito.




‘Does anybody here know you?’, pambabaliwa nito sa tanong ko.



Seguro dahil sa hiya ay umalis na lang ako. Pero hindi nagpatinag ang binata instead hinabol nya ako.




‘Hey wait.’, pagpapatigil nito sa akin.



‘Hey..’, pasigaw nito pagtawag sa akin.




Nakalabas na ako ng simbahan kaya napagpasyahan ko tong kausapin.




‘Now what?’, bungad ko rito.



‘Tinatanong ka lang naman kasi.’, sabi nito na nakayoko.




Ewan ko ba parang napakagaan nang aking kaluoban sa kanya. Na-guilty naman ako sa aking ginawa kaya naman ako na lang ang humingi ng paumanhin.





‘Okay sorry, but I really have to go.’, sabay bigay ng pilit ng ngiti.






Muuwi na lang ako para na rin makapagpahinga. Kahapon pa kasi ako nakarating at seguro may jetlag pa ako. Sumakay na lana ako ng taxi dahil sa pagod na aking naramdaman. Medyo malayo-layo yung sa amin kaya kinuha ko ang aking cellphone sa bulsa at tiningnan ang mga picture namin ni John na magkasama.




‘I miss you John.’, sabi ko rito habang pinipindot and next.




Biglang lumamig ang loob ng taxi na nagpagaan sa aking pakiramdam. Alam ko na binabatayan parin nya ako.




‘Mahal na mahal mo parin ako noh.’, napalakas ata yung pagkakasabi ko dahil nakatingin yung driver sa akin. Baka isipin na nababaliw na ako kaya binigyan ko na lang ito ng isang ngiting pambata.




Narating ko ang aming bahay pasado 4:30PM. Habang papasok ako sa gate,naalala ko na mga 7PM pa pala darating si mama. Pagpasok ko sa bahay kusina na agad ang unang pinuntahan ko para makahalutkat sa ref. ng pagkain.




Sakto naman dahil meron pang natirang pizza. Ininit ko to sa microwave oven, di naman natagalan dahil sinagad ko agad ang init. Mga sampong segudo luto na agad ‘to.




Pamanhik agad ako sa kwarto ko na nasa ikalawang palapag. Kunuha ko ang aking laptop para ma-open ang account ko sa Facebook. Habang nakaharap ako sa Facebook, ganado ko naman kinain ang pizza. Naubos ko ‘to kaya bumababa ulit ako para makainum ng juice o tubig.




Bumalik agad ako sa itaas, pagkaupo ko may nag-message sa facebook ko. Si Dianne, kaya naman dali-dali ko ‘tong ni reply-yan.





’Uyyyyyyyyyyy… J.’, reply ko rito.




‘Kumusta kana? Kilan ka pa nakabalik?’, sunod sunod na tanong nito. Nagtaka naman ako kasi di pa naman ako nagpapakita sa mga kaibigan ko nung dumating ako.





‘Pano mo nalaman na nakabalik na ako, di pa tayo nagkikita ah?’, tanong ko.




‘Di nga, pero nakita ko mommy mo sa grocery store.’, reply naman nya.



‘Tologo?’, sagot ko naman.




‘Loko-loko, kelan mo balak magpakita? Miss ka kana kaya nila.’, reply nito.




‘Tsaka na seguro, next week to be exact.’, ako.




‘nako, kung maka-drama ka lang, will natanong ko narin kay tita kung san kayo tumitira ngayon.’, reply ni Dianne.




‘Don’t tell me..’, rereply sana ako ng nabasa ko na reply nya.



‘Pupunta kami dyan sa makalawa, okay ba?’, reply nito na aking kinagulat. No choice na ako kaya pumayag na ako.





‘Uy sige, dalhin mo silang lahat. Miss ko na kasi mga kalukuhan natin eh.’, reply ko naman.





‘Sige ba,sige tapus na yung break time. Work work na para magkapera.’, reply naman ni Dianne.





‘Akalain mo yun may tumanggap pa sayo, sige bye!!’, agad naman syang nag-offline. Pumunta naman ako sa profile nito nagbabasakali makuha number ni loka-loka, di nga ako nabigo kinuha ko ‘to at save agad.




Nasa ganun akong sitwasyon ng biglang may kumatok sa aking kwarto.





‘Ayyy palaka!, Mamaaa?!’, sigaw kong pagtawag sa mama ko.






‘Bumababa kana, sabay na tayong kumain.’, sagot naman ni mama. Bumababa naman ako agad para saluhan ang mama kong kumain.





‘Kala ko mga 7PM pa dating mo?’, bungad ko rito na hinahanda an gaming kakainin.





‘Na cancel yung meeting ko kay Mr. Suarez kaya umuwi nalang ako, ayaw mo ba anak?’, ganito talaga kami mag-usap ni mama parang magkaibigan lang.





‘Anong ulam ma?’, sabay upo.




‘Afritada nak.’, sabay ngiti alam nya kasi na pareho nami tung paborito ni John.






‘Okay lang.’, sabay subo. Nakakamiss sya talaga ewan ba. Basta miss ko si John.








‘Sya nga pala ma, darating yung mga kaibigan ko sa makalawa kaya naman pagluto mo kami ng carbonara ha?’, sabay pa-cute kay mama.




‘Oh sya, pasalamatanak kita.’, sabay tawa naman ni mama.




1 komento: